Friday, January 2, 2015

Proud ISKwAter!


Mahirap ang maging mahirap. Wala kang choice kundi maging praktikal. Kahit gusto mong makipagsabayan sa iba, hindi mo magawa. Wala eh, mahirap ka lang. Sabagay, paano mo nga naman pagkakasyahin ang 50 pesos pambili ng damit. Kahit mismo sa palengke ay mga mahal na rin kung magbenta. May makuha ka man, ito ay mababang klaseng tela at panget ang disenyo. Kung sa pagkain naman, gusto mo sana magjollibee ngunit bente lang ang pera mo, san nga ba aaot ang 20 pesos mo? Edi saan pa, from the word itself, ang walang kamatayang bentelog. Umay na diba? Itlog sa umaga, tanghalian, pati ba naman sa hapunan. Mahirap din makiuso sa mga nagsusulputang gadgets, ipod dito, tablet doon, iphone, samsung....
Hay masyado na 'kong napag iiwanan ng panahon, nokia 3210 parin ang gamit kong cellphone. Badtrip naman oh! Bakit ba wala akong pambili ng mga 'yan? Sa bahay naman, sobrang init. Nagtitipid kami sa kuryente kaya kahit electricfan, bawal buksan, sa gabi lang pwede kapag matutulog na. Mahirap man pero kinakaya namin. Sa pagiging mahirap, doon mo mararanasan ang kahulugan ng salitang buhay. Mahirap man pero masaya. May problema man pero marami kayong nagtutulungan. Maging ang mga kapitbahay, kapamilya mo na rin. Wala eh, pare-pareho kaming nakatira sa squatter's area. Iskwater ika nga, eh ano nama? Basta ako, masaya ako. Bastaalam ko, marami akogbagay namagagawana hindi kinakailangan ng pera. Wala eh, Mahirap yata ako! :)

No comments:

Post a Comment