Saturday, February 15, 2014

SIRANG GRIPO


Sa totoo lang, napipikon na ko sa kamay at paa ko. Hindi dahil sa magaspang, may kalyo o kung anuman kundi dahil ito ay pasmado. Uumpisahan ko sa kamay na siyang madalas humahawak sa mga bagay-bagay at hinahawak-hawakan ng kung sino-man.. Kapag basa ang kamay ko, makapitan ko lang yung braso ng kaibigan o kakilala ko, nandidiri sila. Ang sakit lang guys pinandidirihan yung kamay ko (kamay palang yan). Kapag nagsusulat ako, nababasa yung papel kaya pagnagsulat ako ng madiin, mapupunit na yung papel. Kapag kinakabahan ako, imbis na nanlalamig lang yung kamay ko, namamasa na rin, Ang epal kaya lalo na pag nagbabasa ako sa unahan. Kapag nagtetext ako, lumalabo na yung screen kasi nga basa. Kapag naglalaro kami ng bilyar, kumakapit yung tako sa plangketa ko kaya kailangan ko palagi maglagay ng maraming borax haha. Kapag nasa comshop ako, nakakahiya sa susunod na gagamit ng pc kasi yung mouse pad, basa lol. Alam ko marami pang ibang nakakairitang bagay na nangyari dahil sa pagiging pasmado ng kamay ko, kaya kung ako sa inyo gamutin niyo na yan. Naku, nahihirapan na nga ako sa kamay, tapos pati yung paa pa? GRABE. Ang hirap kayang maglakad tapos dumudulas yung paa mo sa tsinelas, tapos nagheheels pa ko, kaartehan ko kasi e, ginusto ko ‘to, kasalanan ko lol. May pagkakataon pa nga na nung kasalukuyang ako’y nagliliwaliw sa labas kasama ang aking mga kaibigan, sa sobrang basa ng paa ko, at dahil na rin sa wala akong pamunas, dahon pinangpunas ko. Ang saya ‘di ba? Isang kahihiyan. Sa jeep, kapag sobrang init, hindi pwedeng hindi mangingintab yung paa ko kahit nakaupo lang at ang malala pa non, nagpuputik. Ayoko na sana banggitin dahil hindi nga talaga kaaya-aya tignan, pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nangyayari talaga yan sakin..


Hay… Ilang luya, asin at maligamgam na tubig na ang nagamit ko para lang mawala ka.. pero nandyan ka parin. Minsan mas nakakabuti ang pag-iwan kaysa manatili ng may napeperwisyo..

Ngayon alam nyo na kung bakit ginawa kong title, sirang gripo.

No comments:

Post a Comment