Bakit kami nandyan? Bakit kasama ko siya? Bakit nag-uusap kami? Syempre ang lahat ng iyan ay dahil sa akin. Dahil sa lakas ng loob at determinasyon kong i’bid siya sa harap ng maraming tao sa halagang 120. Akala niyo ba madali? Nakakahiya kaya *insert sadface* pero simula ng mag umpisa na ang date kuno namin, kakaiba ang naramdaman ko. Hindi ako kinilig, kundi sumaya ako. Naging masaya ako dahil marami akong natutunan sa kanya. Nagtawanan, nagdramahan, at lumalim ang pagkakakilala namin sa isa’t isa. Hindi ko pinagsisisihan na ibid siya. Hindi ako nanghihinayang dahil gumastos ako. Hindi ako nagkamali na siya ang piliin kong i’bid. Pero alam niyo kung ano yung the best dito? Yun ay ang naranasan kong makipagdate. kahit isang mangkok na peewee at apat na slice ng hotcake lang ang nakahain samin, ayos lang. Hindi namin namalayan ang oras, tapos na pala ang dalawang oras na pagdedate namin. Kaya salamat ulit sa’yo, kapatid, kuya, kaibigan ko, Kuya William!
PS: Yung mga kaibigan ko sa tabi-tabi nang'iistalk. Halata naman sa kuha ng letrato diba haha.
No comments:
Post a Comment