Thursday, June 12, 2014

NO.2



Nag-umpisa ang lahat nang sinayaw niya ako nung JS prom namin. Doon kami nagkausap at nagkakilala ng bahagya. Makalipas ang ilang araw ay hiningi niya ang numero ko, tinatawagan at nagkikita kami bilang magkaibigan. Nakaramdam ako ng paghanga sa kanya dahil sa kabaitan at pagiging totoo na pinakita niya sa akin. Kahit mali ay madalas na kaming nag-uusap maging na rin pagkami'y nasa loob ng paaralan. Nagkakamustahan, at palagay ko nga'y higit na sa magkaibigan ang turingan namin dahil sa sobrang pag-aalala at alaga na pinaparamdam namin sa isa't isa. Hindi parin kami tumigil kahit na alam kong may girlfriend siya. Hanggang sa binigyan na niya ako ng singsing at sinabi na kapag sinoli ko ito ay wala na akong nararamdaman sa kanya. Dahil sa ayokong masabihan ng no.2, nicole at mang-aagaw, pilit kong sinasabi sa kanya na ayoko na dahil alam kong nakakasakit na kami. Walang kaalam alam ang girlfriend niya na kami ay may pagtingin na sa isa't isa. Mabuti na lamang na magbabakasyon na at nagkataon na pupunta kaming pangasinan. Nagkalayo kami at matagal na hindi nagkausap. Walang kibuan maging sa text man o personal dahil hindi ko siya nirereplyan. Dalawang taon na ang nakalipas, at ngayon ay hiwalay na sila ng nasabing girlfriend niya noon, at siya'y may bago na ngayon. Hindi ako kundi iba na. Ganon talaga kapag nag-umpisa kayo sa mali, magtatapos sa hindi maganda. Naisip ko lang magsulat, dahil napanaginipan ko siya kanina. Bigla ko siyang namiss. Bigla akong nanghinayang. Pero dibale na, masaya ako na masaya na siya ngayon sa piling ng kanyang girlfriend. Naiwan parin sa akin ang singsing na binigay niya kahit na wala na akong nararamdaman sa kanya. Itatago ko nalang 'to bilang isang magandang alaala mula sa kanya. Namiss lang kita....

Ang harot ko nung highschool, seriously. LOL!

No comments:

Post a Comment