Freshie ako nang una kong
marinig ang pangalang Mulat. Isang org na binuo ng mga butihing estudyante ng
COC. AID o Association of Independent Documentarist pa nga ang pangalan ng
organisasyon na 'yon. Interesado akong sumali nang mabasa ko ang post sa fb ni
kuya Von, ang Mulat Adviser ng org. Pinatawag ang mga interesado at nagkaroon
ng mga meetings at team buildings. Naging masaya ako sa unang araw palang ng
pagtitipon tipon namin. Kung tinatanong niyo ko kung bakit, ito ay dahil sa
nadagdagan ang kaibigan ko, hindi lamang mga kasing edad ko maging narin ang
mga higher years na nagguiguide sa amin upang matuto kami kung paano gumawa ng
isang dokumentaryo. At alam niyo ba na habang tumatagal kaming nagsasama sama
ay matatawag kong isa na kaming pamilya. Walang duda, sila ang pangatlo kong pamilya.
Kakasimula pa lamang namin ay marami na kaagad nakapilang kompetisyon na
isasagawa namin para mahasa kami sa paggawa ng isang epektibong dokumentaryo.
UST Podcast ang una naming sinalihan kaya naman agad naming inumpisahan ang
paggrupo-grupo sa bawat myembro at doon ang bawat team ay nakalikha ng iba't
ibang storya pero iisa ang tema. Sa hindi inaasahan dahil sa dami ng kalahok na
sumali at sa may may magagarang gamit ang ibang eskwelahan, isa kami sa pinili
ng KBP para parangalan. 2ndplace ang Radio Drama na pinagpuyatan ng isang grupo
at 3rdplace naman ang RadioDoc na ginawa ng kabilang grupo. Tunay nga na hindi
matatawaran ang saya na naramdaman namin dahil sa pagkapanalo ng aming organisasyon.
Hindi lamang Mulat ang dala naming pangalan maging narin ang PUP COC. Lalo
kaming pinagtibay at nasubok ang aming tatag bilang isang pamilya. Matapos ang
ilang araw, Nagsagawa kami ng isang seminar para sa mga freshie students kagaya
ko. Sa tulong ni kuya Von, nagkaroon kami ng mga bigating panauhin at
tagapagsalita na mula sa mga kilalang network sa industriya, isa na riyan ang walang
kupas na si Ms. Cheryl Cosim ng tv5. Sa likod ng seminar na yan ay napakaraming
plano na ang naudlot at napalitan ng panibago. May mga naatasan sa iba't ibang tungkulin.
at kahit na rush ay masasabi kong naging matagumpay ang seminar. Umpisa pa
lamang ito kaya't alam ko na magiging mas maayos at mas maganda ang kalalabasan
ng susunod naming event. Nagkaroon din kami ng workshop at kasali rin ako dito.
Nadagdagan kami ng myembro kaya naman mas lumaki at sumaya ang aming pamilya.
Ang dating dinadaan daanan ko lang na mula sa kabilang seksyon ay ngayon
katawanan na namin. Napakarami kong natutunan sa mga naging speaker namin,
Simula kay Mr. JC Rubio, Ate Dawn, Rhyan Malandog at Direk Rember. Mula sa
pagiging isang researcher, paano nga ba tatayo ang isang istorya, syempre
kailangan compelling ang case study. Samahan ng puso, pakiramdaman para malaman
kung siya na nga ang tama para sa docu na gagawin mo. At hindi rin pala
madaling maging isang researcher. Hindi lamang basta magreresearch ka sa
internet at maghahanap ng kung sino at anoman. Dapat makuha natin ang
impormasyon para sa mga tanong ng tagapakinig at tagapanood. Sumunod naman ang
pagiging isang Segment producer or writer, na hindi lamang basta nagtatala ng mga
bagay bagay kundi sumusulat ng isang epektibong storya. "Ang
pakikipagtitigan sa blangkong papel hanggang sa tumagaktak ang pawis" sabi
nga nila, hindi madali ang sumulat. Sa simula ay dapat pinakamaganda o pinakamalakas
na ang dating para sa mga mambabasa at manonood para maging kaakit akit at kapanabik-nabik
ang ginawang storya. Walang palabok at paligoy ligoy kundi straight to the
point dapat. Sabi nga nila ang isang epektibong writer = magaling. Hindi rin
mabubuo ang isang docu kung walang camera. at hindi mapapakinabangan ang camera
ng may swak na anggulo kung walang Videographer. Bawat anggulo may sinasabi,
may kahulugan. Minsan kailangan ngang sumampa sa upuan, humiga, bumaligtad? para
lang masatisfy tayo at makuha ang gustong anggulo. Hindi lang basta click lang
ng click kundi finofocus din ang subject na kukunan. Step by step lang ang
bawat position, kapag tumaas na ang posisyon mo, isa ka ng Executive Producer
at mas tataas pa yan hanggang sa maging isa ka ng Direktor. Tunay nga na hindi
porket wala kang talent sa pagsulat, pagresearch, pagvideo, o sa kung ano mang
paggawa ng doc, ay hindi ka na maaaring makagawa ng isang docu. Basta samahan
lang ng ORAS, PUSO at UTAK ang lahat ng ginagawa, katuwang na rin ang sipag,
tiyaga at lakas ng loob, ay mapagtatagumpayan nating makabuo ng isang
dokumentaryo. Hindi pa dito nagtatapos ang org na sinalihan ko bagkus ay
magtatagal ito at palalakihin, pagtitibayin at hindi kailanman mabubuwag. Masasabi
ko na hindi ako nagsisisi sa mga nangyari at hindi nasayng ang oras na ginugol
ko para maging bahagi ng Mulat. Mahal ko ang MULAT.
No comments:
Post a Comment