Friday, January 2, 2015

Proud ISKwAter!


Mahirap ang maging mahirap. Wala kang choice kundi maging praktikal. Kahit gusto mong makipagsabayan sa iba, hindi mo magawa. Wala eh, mahirap ka lang. Sabagay, paano mo nga naman pagkakasyahin ang 50 pesos pambili ng damit. Kahit mismo sa palengke ay mga mahal na rin kung magbenta. May makuha ka man, ito ay mababang klaseng tela at panget ang disenyo. Kung sa pagkain naman, gusto mo sana magjollibee ngunit bente lang ang pera mo, san nga ba aaot ang 20 pesos mo? Edi saan pa, from the word itself, ang walang kamatayang bentelog. Umay na diba? Itlog sa umaga, tanghalian, pati ba naman sa hapunan. Mahirap din makiuso sa mga nagsusulputang gadgets, ipod dito, tablet doon, iphone, samsung....
Hay masyado na 'kong napag iiwanan ng panahon, nokia 3210 parin ang gamit kong cellphone. Badtrip naman oh! Bakit ba wala akong pambili ng mga 'yan? Sa bahay naman, sobrang init. Nagtitipid kami sa kuryente kaya kahit electricfan, bawal buksan, sa gabi lang pwede kapag matutulog na. Mahirap man pero kinakaya namin. Sa pagiging mahirap, doon mo mararanasan ang kahulugan ng salitang buhay. Mahirap man pero masaya. May problema man pero marami kayong nagtutulungan. Maging ang mga kapitbahay, kapamilya mo na rin. Wala eh, pare-pareho kaming nakatira sa squatter's area. Iskwater ika nga, eh ano nama? Basta ako, masaya ako. Bastaalam ko, marami akogbagay namagagawana hindi kinakailangan ng pera. Wala eh, Mahirap yata ako! :)

Thursday, January 1, 2015

MAY KILALA KA BA?

Ngayong 2015, Pangarap kong makapagtaas ng damit ng isang poging macho na may 6packs na abs :3 :"">


HAISXZT V3H

Nakakapagod mag-aral. Nakakstress. Ramdam na ramdam ko na ang buhay ng isang kolehiyala. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, panay reklamo ang lumalabas sa bibig ko. Gigising sa umaga, maliligo, magbibihis, hingi baon, at babyahe ng dalawang oras papuntang eskwela. Ngayong 2nd year na 'ko, sunod sunod ang mga midterm requirements namin. Variety show, news capsule, tv production, shortfilm, at ang iba ay hindi pa namin alam kung ano ang ipagagawa sa'min. Dumagdag pa ang mga bayarin. As in BAYARIN, dahil sa sobrang laki ng halaga. Syempre dahil wala akong mapagkukuwanan ng pera sa sarili ko, wala naman akong ipon, wala naman akong raket o sideline, derecho nanaman ako kay mami at ate para humingi ng pera. Sobra akong pagod ngayon. Nakakainis. Pero iniisip ko nalang na wala akong karapatan magreklamo dahil nagpapakahirap ang ate 'ko na magtrabaho para lang may ipamasahe ako araw-araw. Na sana ang sweldo niya ay inipon niya na lang pampa-aral. Hays sige na. Nakakapagod nga pero ayos lang. Matutulog na ko. 

Thursday, June 12, 2014

NO.2



Nag-umpisa ang lahat nang sinayaw niya ako nung JS prom namin. Doon kami nagkausap at nagkakilala ng bahagya. Makalipas ang ilang araw ay hiningi niya ang numero ko, tinatawagan at nagkikita kami bilang magkaibigan. Nakaramdam ako ng paghanga sa kanya dahil sa kabaitan at pagiging totoo na pinakita niya sa akin. Kahit mali ay madalas na kaming nag-uusap maging na rin pagkami'y nasa loob ng paaralan. Nagkakamustahan, at palagay ko nga'y higit na sa magkaibigan ang turingan namin dahil sa sobrang pag-aalala at alaga na pinaparamdam namin sa isa't isa. Hindi parin kami tumigil kahit na alam kong may girlfriend siya. Hanggang sa binigyan na niya ako ng singsing at sinabi na kapag sinoli ko ito ay wala na akong nararamdaman sa kanya. Dahil sa ayokong masabihan ng no.2, nicole at mang-aagaw, pilit kong sinasabi sa kanya na ayoko na dahil alam kong nakakasakit na kami. Walang kaalam alam ang girlfriend niya na kami ay may pagtingin na sa isa't isa. Mabuti na lamang na magbabakasyon na at nagkataon na pupunta kaming pangasinan. Nagkalayo kami at matagal na hindi nagkausap. Walang kibuan maging sa text man o personal dahil hindi ko siya nirereplyan. Dalawang taon na ang nakalipas, at ngayon ay hiwalay na sila ng nasabing girlfriend niya noon, at siya'y may bago na ngayon. Hindi ako kundi iba na. Ganon talaga kapag nag-umpisa kayo sa mali, magtatapos sa hindi maganda. Naisip ko lang magsulat, dahil napanaginipan ko siya kanina. Bigla ko siyang namiss. Bigla akong nanghinayang. Pero dibale na, masaya ako na masaya na siya ngayon sa piling ng kanyang girlfriend. Naiwan parin sa akin ang singsing na binigay niya kahit na wala na akong nararamdaman sa kanya. Itatago ko nalang 'to bilang isang magandang alaala mula sa kanya. Namiss lang kita....

Ang harot ko nung highschool, seriously. LOL!

MULAT

Freshie ako nang una kong marinig ang pangalang Mulat. Isang org na binuo ng mga butihing estudyante ng COC. AID o Association of Independent Documentarist pa nga ang pangalan ng organisasyon na 'yon. Interesado akong sumali nang mabasa ko ang post sa fb ni kuya Von, ang Mulat Adviser ng org. Pinatawag ang mga interesado at nagkaroon ng mga meetings at team buildings. Naging masaya ako sa unang araw palang ng pagtitipon tipon namin. Kung tinatanong niyo ko kung bakit, ito ay dahil sa nadagdagan ang kaibigan ko, hindi lamang mga kasing edad ko maging narin ang mga higher years na nagguiguide sa amin upang matuto kami kung paano gumawa ng isang dokumentaryo. At alam niyo ba na habang tumatagal kaming nagsasama sama ay matatawag kong isa na kaming pamilya. Walang duda, sila ang pangatlo kong pamilya. Kakasimula pa lamang namin ay marami na kaagad nakapilang kompetisyon na isasagawa namin para mahasa kami sa paggawa ng isang epektibong dokumentaryo. UST Podcast ang una naming sinalihan kaya naman agad naming inumpisahan ang paggrupo-grupo sa bawat myembro at doon ang bawat team ay nakalikha ng iba't ibang storya pero iisa ang tema. Sa hindi inaasahan dahil sa dami ng kalahok na sumali at sa may may magagarang gamit ang ibang eskwelahan, isa kami sa pinili ng KBP para parangalan. 2ndplace ang Radio Drama na pinagpuyatan ng isang grupo at 3rdplace naman ang RadioDoc na ginawa ng kabilang grupo. Tunay nga na hindi matatawaran ang saya na naramdaman namin dahil sa pagkapanalo ng aming organisasyon. Hindi lamang Mulat ang dala naming pangalan maging narin ang PUP COC. Lalo kaming pinagtibay at nasubok ang aming tatag bilang isang pamilya. Matapos ang ilang araw, Nagsagawa kami ng isang seminar para sa mga freshie students kagaya ko. Sa tulong ni kuya Von, nagkaroon kami ng mga bigating panauhin at tagapagsalita na mula sa mga kilalang network sa industriya, isa na riyan ang walang kupas na si Ms. Cheryl Cosim ng tv5. Sa likod ng seminar na yan ay napakaraming plano na ang naudlot at napalitan ng panibago. May mga naatasan sa iba't ibang tungkulin. at kahit na rush ay masasabi kong naging matagumpay ang seminar. Umpisa pa lamang ito kaya't alam ko na magiging mas maayos at mas maganda ang kalalabasan ng susunod naming event. Nagkaroon din kami ng workshop at kasali rin ako dito. Nadagdagan kami ng myembro kaya naman mas lumaki at sumaya ang aming pamilya. Ang dating dinadaan daanan ko lang na mula sa kabilang seksyon ay ngayon katawanan na namin. Napakarami kong natutunan sa mga naging speaker namin, Simula kay Mr. JC Rubio, Ate Dawn, Rhyan Malandog at Direk Rember. Mula sa pagiging isang researcher, paano nga ba tatayo ang isang istorya, syempre kailangan compelling ang case study. Samahan ng puso, pakiramdaman para malaman kung siya na nga ang tama para sa docu na gagawin mo. At hindi rin pala madaling maging isang researcher. Hindi lamang basta magreresearch ka sa internet at maghahanap ng kung sino at anoman. Dapat makuha natin ang impormasyon para sa mga tanong ng tagapakinig at tagapanood. Sumunod naman ang pagiging isang Segment producer or writer, na hindi lamang basta nagtatala ng mga bagay bagay kundi sumusulat ng isang epektibong storya. "Ang pakikipagtitigan sa blangkong papel hanggang sa tumagaktak ang pawis" sabi nga nila, hindi madali ang sumulat. Sa simula ay dapat pinakamaganda o pinakamalakas na ang dating para sa mga mambabasa at manonood para maging kaakit akit at kapanabik-nabik ang ginawang storya. Walang palabok at paligoy ligoy kundi straight to the point dapat. Sabi nga nila ang isang epektibong writer = magaling. Hindi rin mabubuo ang isang docu kung walang camera. at hindi mapapakinabangan ang camera ng may swak na anggulo kung walang Videographer. Bawat anggulo may sinasabi, may kahulugan. Minsan kailangan ngang sumampa sa upuan, humiga, bumaligtad? para lang masatisfy tayo at makuha ang gustong anggulo. Hindi lang basta click lang ng click kundi finofocus din ang subject na kukunan. Step by step lang ang bawat position, kapag tumaas na ang posisyon mo, isa ka ng Executive Producer at mas tataas pa yan hanggang sa maging isa ka ng Direktor. Tunay nga na hindi porket wala kang talent sa pagsulat, pagresearch, pagvideo, o sa kung ano mang paggawa ng doc, ay hindi ka na maaaring makagawa ng isang docu. Basta samahan lang ng ORAS, PUSO at UTAK ang lahat ng ginagawa, katuwang na rin ang sipag, tiyaga at lakas ng loob, ay mapagtatagumpayan nating makabuo ng isang dokumentaryo. Hindi pa dito nagtatapos ang org na sinalihan ko bagkus ay magtatagal ito at palalakihin, pagtitibayin at hindi kailanman mabubuwag. Masasabi ko na hindi ako nagsisisi sa mga nangyari at hindi nasayng ang oras na ginugol ko para maging bahagi ng Mulat. Mahal ko ang MULAT.







Saturday, February 15, 2014

DATE

VALENTINES

Bakit kami nandyan? Bakit kasama ko siya? Bakit nag-uusap kami? Syempre ang lahat ng iyan ay dahil sa akin. Dahil sa lakas ng loob at determinasyon kong i’bid siya sa harap ng maraming tao sa halagang 120. Akala niyo ba madali? Nakakahiya kaya *insert sadface* pero simula ng mag umpisa na ang date kuno namin, kakaiba ang naramdaman ko. Hindi ako kinilig, kundi sumaya ako. Naging masaya ako dahil marami akong natutunan sa kanya. Nagtawanan, nagdramahan, at lumalim ang pagkakakilala namin sa isa’t isa. Hindi ko pinagsisisihan na ibid siya. Hindi ako nanghihinayang dahil gumastos ako. Hindi ako nagkamali na siya ang piliin kong i’bid. Pero alam niyo kung ano yung the best dito? Yun ay ang naranasan kong makipagdate. kahit isang mangkok na peewee at apat na slice ng hotcake lang ang nakahain samin, ayos lang. Hindi namin namalayan ang oras, tapos na pala ang dalawang oras na pagdedate namin. Kaya salamat ulit sa’yo, kapatid, kuya, kaibigan ko, Kuya William!


PS: Yung mga kaibigan ko sa tabi-tabi nang'iistalk. Halata naman sa kuha ng letrato diba haha.

SIRANG GRIPO


Sa totoo lang, napipikon na ko sa kamay at paa ko. Hindi dahil sa magaspang, may kalyo o kung anuman kundi dahil ito ay pasmado. Uumpisahan ko sa kamay na siyang madalas humahawak sa mga bagay-bagay at hinahawak-hawakan ng kung sino-man.. Kapag basa ang kamay ko, makapitan ko lang yung braso ng kaibigan o kakilala ko, nandidiri sila. Ang sakit lang guys pinandidirihan yung kamay ko (kamay palang yan). Kapag nagsusulat ako, nababasa yung papel kaya pagnagsulat ako ng madiin, mapupunit na yung papel. Kapag kinakabahan ako, imbis na nanlalamig lang yung kamay ko, namamasa na rin, Ang epal kaya lalo na pag nagbabasa ako sa unahan. Kapag nagtetext ako, lumalabo na yung screen kasi nga basa. Kapag naglalaro kami ng bilyar, kumakapit yung tako sa plangketa ko kaya kailangan ko palagi maglagay ng maraming borax haha. Kapag nasa comshop ako, nakakahiya sa susunod na gagamit ng pc kasi yung mouse pad, basa lol. Alam ko marami pang ibang nakakairitang bagay na nangyari dahil sa pagiging pasmado ng kamay ko, kaya kung ako sa inyo gamutin niyo na yan. Naku, nahihirapan na nga ako sa kamay, tapos pati yung paa pa? GRABE. Ang hirap kayang maglakad tapos dumudulas yung paa mo sa tsinelas, tapos nagheheels pa ko, kaartehan ko kasi e, ginusto ko ‘to, kasalanan ko lol. May pagkakataon pa nga na nung kasalukuyang ako’y nagliliwaliw sa labas kasama ang aking mga kaibigan, sa sobrang basa ng paa ko, at dahil na rin sa wala akong pamunas, dahon pinangpunas ko. Ang saya ‘di ba? Isang kahihiyan. Sa jeep, kapag sobrang init, hindi pwedeng hindi mangingintab yung paa ko kahit nakaupo lang at ang malala pa non, nagpuputik. Ayoko na sana banggitin dahil hindi nga talaga kaaya-aya tignan, pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nangyayari talaga yan sakin..


Hay… Ilang luya, asin at maligamgam na tubig na ang nagamit ko para lang mawala ka.. pero nandyan ka parin. Minsan mas nakakabuti ang pag-iwan kaysa manatili ng may napeperwisyo..

Ngayon alam nyo na kung bakit ginawa kong title, sirang gripo.